Saysay ng Dogs in Philippine History sa Multidisiplinaryong Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino
DOI:
https://doi.org/10.70922/26b86y89Keywords:
Multidisiplinaryo na pag-aaral, Philippine History, Kasaysayan, Lipunang PilipinoAbstract
Umalpas at/o umunlad na ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas—hindi na lamang ito isang kanonikal na pamamaraan na may pagkiling at humahango sa kinagisnang positibismong pananaw. Bagama’t kumakalas na roon ang ilang mananaliksik at historyador, hindi ito nangangahulugan ng pagtalikod sa pinagmulang pananaw, bagkus isa itong kaunlarang historiograpikal na habang isinasaalang-alang pa rin nito ang faktuwal na kaalaman, nilalakipan na ito ng samot-saring multidisiplinaryo at/o interdisiplinaryong pananaw na may pagkiling sa disiplinang kinabibilangan at inaambagan ng kaalaman. Humigit kumulang 700-pahina ang aklat ng historyador na si Ian Christopher Alfonso ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP)—ang Dogs in Philippine History (DPH)—na may 28-kabanata—sa aking pagbibilang, habang ginagabayan ng 503-piraso ng plate o larawan, 3 mapa, 5 talahanayan, 920 na talahuli, at 496 na sanggunian—ay hindi lamang isang historikal ngunit tematiko rin ang pagkakasalanlan. Ito
ay maari rin gawing balangkas at salalayan ng susunod pang mga pagaaral na nagkakaroon ng interes sa kalikasan at kapaligiran.
Downloads
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2024 Axle Christien Tugano (Author)

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
Articles published in the MABINI REVIEW will be Open-Access articles distributed under the terms and conditions of the Creative Commons Attribution-Noncommercial 4.0 International (CC BY-NC 4.0). This allows for immediate free access to the work and permits any user to read, download, copy, distribute, print, search, or link to the full texts of articles, crawl them for indexing, pass them as data to software, or use them for any other lawful purpose.