Ang Kasaysayan at Diskurso ng mga Museo sa Center for Kapampangan Studies
DOI:
https://doi.org/10.70922/pghpc897Keywords:
Araling Pangmuseo, Center for Kapampangan Studies (CKS), identidad, Kapampangan, Kasaysayan ng museoAbstract
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, ang Center for Kapampangan Studies (CKS) ng Holy Angel University (HAU) ay naging pangunahing institusyon sa pananaliksik, pangangalaga, at pagpapalaganap ng kulturang Kapampangan. Isa sa mga pinakamahalagang ambag nito ay ang pagtatatag ng mga museo na nagsisilbing tagapagpatibay at tagapagpaunlad ng pagkakakilanlang Kapampangan. Gayunpaman, hindi pa lubusang natitipon at nasusuri ang kasaysayan ng mga museo ng CKS. Bilang tugon, ang pananaliksik na ito ay naglalayong magsagawa ng unang sistematikong pagsusuri sa kasaysayan ng mga museo ng CKS upang mapalawig ang diskurso sa Araling Kapampangan, Araling Pangmuseo, at pananaliksik sa kultural na identidad. Ginamit ang panayam bilang pangunahing metodolohiya, kung saan ang mga namumuno ng mga museo ang nagsilbing pangunahing kalahok. Pinagtibay din ito ng mga umiiral na dokumento tungkol sa CKS. Ipinakikita ng pag-aaral ang mga diskursibong pundasyon at adhikain ng CKS na nagbigay-gabay sa disenyo, tema, at layunin ng mga museo, pati na rin ang mga hamon at pagbabago sa paglipas ng panahon na nakaapekto sa estruktura, tema, at nilalaman ng mga ito. Sa kabuuan, ang CKS ay nagsisilbing ‘one-stop shop’ para sa kasaysayan, sining, at identidad ng mga Kapampangan at ang mga museo nito ay binubuo ng mga permanente at pansamantalang eksibit. Hindi lamang ito tagapangalaga ng kasaysayan kundi isang dinamikong espasyo na nag-uugnay sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Ipinakikita ng pananaliksik na ang mga museo ng CKS ay patuloy na nagbabago at umaangkop sa nagbabagong panahon habang pinangangalagaan ang kultural na identidad ng mga Kapampangan.
Downloads
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Wilma Cruz (Author)

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
Articles published in the MABINI REVIEW will be Open-Access articles distributed under the terms and conditions of the Creative Commons Attribution-Noncommercial 4.0 International (CC BY-NC 4.0). This allows for immediate free access to the work and permits any user to read, download, copy, distribute, print, search, or link to the full texts of articles, crawl them for indexing, pass them as data to software, or use them for any other lawful purpose.