Isang Mungkahing Tipolohiya ng Teolohiyang Pilipino

Authors

  • Mark Joseph Santos De La Salle University / Philippine Women's University Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/je0jwj19

Keywords:

eksposisyon, metodo, Teolohiyang Pilipino, tipolohiya, wikang Filipino

Abstract

Lagpas limang dekana nang umiiral ang Teolohiyang Pilipino bilang isang kilusang Pilipinisasyon, mula sa pag-usbong ng mga akdang teolohikal noong 1970s na malay na naghahanap ng pagka-Pilipino ng teolohiya bilang isang larangan. Sa kabila nito, wala pa ring umiiral sa kasalukuyan na isang tipolohiya na nagtatangkang mag-uri-uri at magsistematisa ng mga umiiral na literatura sa larangan. Layunin ng kasalukuyang pag-aaral na maglatag ng isang mungkahing tipolohiya para punan ang naturang puwang. Tungo rito, gagamitin bilang modelo ang tipolohiya ni F.P.A. Demeterio sa Pilosopiyang Pilipino, gayundin ang istruktura ng mga sublarangan ng Bagong Kasaysayan na nilikha ni Atoy Navarro. Gamit ang dalawang ito, bumuo ang may-akda ng isang tipolohiyang kinapapalooban ng apat na pangunahing erya: 1. Tipolohiya batay sa Wika (na humugot ng inspirasyon mula sa iskemang pangkami, pangkayo, pansila, at pantayo ni Zeus Salazar), 2. Tipolohiya batay sa Metodo (halaw sa pag-iiba ni Jose de Mesa sa panlipunan at pangkalinangang dulog sa teolohiya), 3. Tipolohiya batay sa Espasyong Heograpikal (alinsunod sa paghahati ni Salazar sa apat na larangan ng pilosopiya ng kasaysayan), at 4. Tipolohiya batay sa Eksposisyon (halaw sa sariling binubuong proyekto ng may-akda na Araling Kapantasan).

Downloads

Download data is not yet available.

Downloads

Published

2025-09-30

How to Cite

Santos, M. J. (2025). Isang Mungkahing Tipolohiya ng Teolohiyang Pilipino. Mabini Review, 15(2). https://doi.org/10.70922/je0jwj19