SIMPOLOGY: Panimulang Sipat sa Retorika ng mga Piling Bidyo ni Bro. Mike Velarde Gamit ang Prinsipyong Aristotelyano

Authors

DOI:

https://doi.org/10.70922/q1mh8n41

Keywords:

Aristotle, Bro. Mike Velarde, El Shaddai, Retorika, Simpology

Abstract

Ang pag-aaral ay nakatuon sa retorika ni Bro. Mariano “Mike” Z. Velarde, ang nagtatag ng samahang El Shaddai noong Agosto 1984 sa Pilipinas. Gamit ang lente ni Aristotle, sinuri ang limang playback ng kaniyang Healing Message noong Enero 7 hanggang Pebrero 2, 2023. Nilayon ng pananaliksik na (1) masuri ang kaniyang retorikal na dulog at makita ang hirarkiya nito sa kaniyang talumpati, (2) matukoy ang mga retorikal na tenet at ang hirarkiya ng konsistensi nito sa kaniyang mga talumpati, at (3) mailatag ang retorikal na dulog at tenet at ang kahusayan niya bilang isang laykong mangangaral. Gamit ang metodong pagsusuri sa nilalaman, napatunayan na mababakas ang mga prinsipyong inihahain ni Aristotle sa kaniyang mga talumpati. Lumitaw na sa kontemporaryong panahon, Pathos ang naging salalayan niya para maaabot ang puso ng mga tagapakining habang ang Ethos at Logos ay ginamit niya upang mahiyang ang kaniyang kredibilidad bilang ispiker at masuportahan ang mga argumentong kaniyang inilalahad. Napagtanto rin sa kabuoan ng papel na sa limang tenet ng retorika, naging konsistent siya sa paggamit ng imbensyon, presentasyon, at memorya na naging dahilan para matimpla niya ang mensaheng akma sa kaniyang target na awdiyens. Sa huli, ang kahusayan ni Velarde bilang mananalumpati ay nakasandig sa kaniyang makapagbagbag damdaming mga talumpati na kinasasangkapan ng ma-estrukturang imbensyon, masistemang presentasyon, at matalas na memorya. Ang simpology ni Mike Velarde ang nagdala ng tagumpay sa El Shaddai para sa kanilang pakay na malawakang ebanghelisasyon.

Downloads

Download data is not yet available.

Author Biography

  • Joven B. Makiling , University of Makati

    Institute of Arts and Design 

Downloads

Published

2025-09-30

How to Cite

Makiling , J. . (2025). SIMPOLOGY: Panimulang Sipat sa Retorika ng mga Piling Bidyo ni Bro. Mike Velarde Gamit ang Prinsipyong Aristotelyano. Mabini Review, 15(2). https://doi.org/10.70922/q1mh8n41