Ang Pagbungkal sa Konseptong Relihiyonsa Talasalitaan ni Bergaño bilang Pagtutulaysa Kultura-Pananampalataya ng mgaKapampangan sa Ika-18 Siglo
DOI:
https://doi.org/10.70922/cfeh4d98Keywords:
Fray Diego Bergaño, Kapampangan, kultura-pananampalataya, Katolisismo, relihiyonAbstract
Hindi maikakaila ang bilis ng paglaganap ng Katolisismong dala ng mga Kastila sa bansang Pilipinas; isang dahilan kung bakit tuluyan nang naiangkla sa pagkatao ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng salitang relihiyon. Isa sa mga patunay ng pagkakaroon ng mahigpit na pagyakap ng mga Pilipino sa Katolisismo ay ang mga heritage church na matatagpuan sa Pampanga. Dahil dito, nabansagan ang mga Kapampangan na hindi lamang mahusay sa kusina, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng masidhing pagpapahalaga sa kultura-pananampalatayang iniwan ng kanilang mga ninuno. Ito ang naging inspirasyon ng papel, ang makita ang kultura- pananampalatayang mayroon ang mga Kapampangan noong ika-18 siglo sa pamamagitan ng paghimay sa talasalitaan ng Kapampangan na isinulat ni Fray Diego Bergaño (1690-1747). Sa pamamagitan ng kwalitatibong pag-aaral at deskriptibong pag- aanalisa, ginamit ang talasalitaan ni Bergaño na unang nailimbag noong 1732 bilang pangunahing teksto ng pananaliksik. Inalam at itinala ang mga salitang makikita rito na may kaugnayan sa relihiyon na umusbong sa panahong iyon. Sa tulong din ng panayam mula sa mga paring Kapampangan at ilang taong maalam sa kultura-pananampalatayang Kapampangan, nakagawa ng naratibo ang mga mananaliksik na nagsilbing tulay sa muling pagsilip sa kultura sa pagdarasal, paniniwala sa mga masasamang elemento at sumpa, pagsasabuhay ng pamahiin, tradisyon sa patay, konsepto sa mga bagay na makikita sa loob at labas ng simbahan, at sanhi ng pagkakasala ng mga Kapampangan sa kasaysayan.Ipinakita sa kabuuan ng pag-aaral ang transpormasyong naganap sa kultura-pananampalatayang Kapampangan -- mula sa nakaraan tungong kasalukuyan.
Downloads
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Mabini Review

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
Articles published in the MABINI REVIEW will be Open-Access articles distributed under the terms and conditions of the Creative Commons Attribution-Noncommercial 4.0 International (CC BY-NC 4.0). This allows for immediate free access to the work and permits any user to read, download, copy, distribute, print, search, or link to the full texts of articles, crawl them for indexing, pass them as data to software, or use them for any other lawful purpose.