Kagamitan ng Eupemismong Meranawat Tungkuling Panlipunan Nito
DOI:
https://doi.org/10.70922/kqaxzh82Keywords:
eupemismo, eupemistikong pagpapahayag, tungkulin ng eupemismo, kagamitan ng eupemismo, Meranaw, salitang taboo, kagandahang asalAbstract
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Kagamitan ng Eupemismong Meranaw at Tungkuling Panlipunan nito. Ito ay dinesenyuhan ng diskriptibong uri ng pananaliksik na gamit ang Politeness at Sex and Politeness bilang teorya. Layunin ng pag-aaral na ito na makalap ang mga eupemismong ginagamit ng mga Meranaw; matukoy ang mga kagamitang taglay ng eupemismong Meranaw; malaman ang tungkuling panlipunan ng mga eupemismong Meranaw; at mailahad ang implikasyon ng eupemismong Meranaw sa pang- araw-araw na pakikipagkomunikasyon sa lipunan. Ang paggamit ng mga eupemismo ay nag-uugnay sa kagamitan at tungkulin nito sa lipunan. At ang mga kagamitan na ito ay maaring sa larangan ng pakikipagtalastasan sa araw-araw, sa magka-ibang kasarian, antas ng lipunan, at pananaw ng bawat indibidwal. Sa mga kagamitan na ito nakatago ang mga tungkulin nito sa lipunan gaya ng tungkulin ng kagandahang asal, pagtakpan ang katotohanan, umiwas sa paggamit ng mga salitang taboo, at magkaila. Ang paggamit ng eupemismo sa pakikisalamuha sa harap ng isang tao o maging sa pampublikong lugar ay tanda ng pagkakaroon ng magandang ugali at pagiging marespeto sa kapwa. Layunin ng mga salitang eupemismo na pagaanin ang mga bagay o sitwasyon na para sa iba ay masakit at nakakasaling damdamin. Sa pamamagitan ng pagbihis dito ng mga kaaya- ayang salita na kung hindi man nakasisiya ay nakakabawas naman ng sakit na nararamdaman
Downloads
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2022 Mabini Review

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
Articles published in the MABINI REVIEW will be Open-Access articles distributed under the terms and conditions of the Creative Commons Attribution-Noncommercial 4.0 International (CC BY-NC 4.0). This allows for immediate free access to the work and permits any user to read, download, copy, distribute, print, search, or link to the full texts of articles, crawl them for indexing, pass them as data to software, or use them for any other lawful purpose.