Pagtataguyod ng Lokal na Industriya sa Diwa ng Kooperatibismo: Pakikipanayam sa mga Haligi ng Bagong Barrio Multi-Purpose Cooperative, Pandi, Bulacan
DOI:
https://doi.org/10.70922/vcdmz641Keywords:
Bagong Barrio Multi-Purpose Cooperative, Disenyo Pandi, kooperatibismo, Pandi, Bulacan, puhunang panlipunanAbstract
Ang “One Town, One Product” (OTOP) ay isang programa ng Department of Trade and Industry (DTI) na naglalayong tumukoy ng lokal na produktong maipagmamalaki ng bawat bayan sa Pilipinas na nakaugat sa kultura, mapagkukunan, at pagkamalikhain ng komunidad na pinagmulan nito. Sa bayan ng Pandi, Bulacan, hinirang na OTOP ang espesyalisadong kasuotan na gown at barong na itinaguyod sa pangunguna ng Bagong Barrio Multi-Purpose Cooperative (BBMPC). Sa pangkalahatan, nilalayon ng pag-aaral na ito na siyasatin kung paano naging instrumental ang diwa ng kooperatibismo ng BBMPC sa pagtataguyod ng isang lokal na industriya ng pananahi mula sa lente ng pansamahang puhunang panlipunan na nakaangkla sa ideya ng makataong pamamahala. Upang maisakatuparan ito, kinapanayam ng mga mananaliksik ang tatlong pangunahing tagapamahalang haligi ng kooperatiba na nagsilbing mga susing impormante. Nahahati ang diskusyon ng papel sa dalawang sustantibong seksiyon: 1) maikling kasaysayang institusyonal ng BBMPC at 2) ang mga dimensiyon ng puhunang panlipunan ng BBMPC (i.e., tiwala, network, at mga tuntunin at kaugalian). Sa dulo, ipinakita ng pag-aaral na ang kasiglahan ng Disenyo Pandi Wedding Depot na pinamamahalaan ng BBMPC ay isang konkretong katibayan ng pagtataguyod ng isang lokal na industriya ng pananahi sa Pandi, Bulacan. Nakaaambag din ito sa konserbasyon ng isang kultural na pamana, ang mga tradisyonal na kasuotang Pilipino, at sa lokal na turismo ng bayan ng Pandi. Ngunit hindi magiging posible ang patuloy na pag-unlad nito kung wala ang diwa ng kooperatibismo—ang pagtutulungan at pagdadamayan ng mga tagapamahala, kawani, at miyembro ng BBMPC.Downloads
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Jay Israel De Leon, Jennifer Delfin, Charity Joy Hashim (Author)

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
Articles published in the MABINI REVIEW will be Open-Access articles distributed under the terms and conditions of the Creative Commons Attribution-Noncommercial 4.0 International (CC BY-NC 4.0). This allows for immediate free access to the work and permits any user to read, download, copy, distribute, print, search, or link to the full texts of articles, crawl them for indexing, pass them as data to software, or use them for any other lawful purpose.