Graduate Tracer Study (GTS) ng mga Nagsipagtapos ng Batsilyerng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (2019-2023)

Authors

  • Federico Rivera Jr. Polytechnic University of the Philippines Author
  • Alyssa Manalo Teodoro Polytechnic University of the Philippines Author
  • Sheila Mae Coligado Intoy Polytechnic University of the Philippines Author
  • Roan Jessa A. Dino Polytechnic University of the Philippines Author https://orcid.org/0000-0002-4906-1838

DOI:

https://doi.org/10.70922/s9vkzc13

Keywords:

graduate tracer study, Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya, industriya, akademya, alumni

Abstract

Tinutunton ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang tinatahak na karera, institusyon at sektor, at mga natatanging karanasan ng mga nagsipagtapos ng AB Filipinolohiya mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta.Mesa Manila. Hinggil dito, sinusuri ng pananaliksik ang kahusayan ng nasabing pang-akademikong programa sa usapin ng naturang kurikulum, karanasang pampagkatuto, mga dulog, at ang kakayahang umangkop ng mga ito sa mga pangangailangan ng industriya at sektor. Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay gumamit ng purposive sampling technique upang makalap ang mga datos at resulta mula sa mga isinigawang sarbey. Napatunayan ng pag-aaral na kalakhan ng mga alumni ng AB Filipinolohiya ay kasalukuyang may trabaho at karamihan ay nagtatrabaho sa loob ng akademya; sinusundan ito ng mga nagtatrabaho sa iba’t ibang institusyong pangwika, kultura at sining; industriya ng business processing outsource; at panghuli, sa sektor ng social work. Sa paglalagom, ang programang AB Filipinolohiya ay nagtagumpay sa pagbibigay ng edukasyong dekalidad para sa kanilang mga estudyante. Hinihikayat ng mga mananaliksik ang pagpapatuloy sa nasimulang pagtataya at pagpapaunlad sa kasalukuyang kurikulum upang makaangkop ito at patuloy na makaagapay sa pangangailangan ng mga industriya at sektor.

Downloads

Download data is not yet available.

Author Biographies

  • Federico Rivera Jr., Polytechnic University of the Philippines

    Si Federico B. Rivera Jr. ay kasalukuyang dalubguro sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa ilalim ng Kolehiyo ng Artes at Literatura, Kagawaran ng Filipinolohiya. Nagtapos ng Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa PUP Mabini Campus noong 2017 at Master ng Artes sa Filipino sa PUP Graduate School noong 2021. Naging bahagi bilang isa sa mananaliksik ng proyektong Lingguwistikong Etnograpiya ng Komisyon sa Wikang Filipino (2018-2019) at ng COVID-19 documentary heritage project ng NCCA-PUP (2020-2022). Kontribyutor sa librong “Ang Sining at Kamalayang Pilipino na Maka-TAO” (2022) na inilimbag ng PUP Center for Philippine Studies.

  • Alyssa Manalo Teodoro, Polytechnic University of the Philippines

    Si Alyssa Manalo Teodoro ay kasalukuyang dalubguro sa Kagawaran ng Filipinolohiya-Kolehiyo ng Artes at Letra, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta.Mesa, Manila. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino noong 2016 sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta.Mesa, Manila at Master ng Artes sa Filipino noong 2019 sa nasabi ring pamantasan. Naging mananaliksik ng pag-aarkibo sa mga sining na nalikha noong pandemiya na Philippine Documentary Heritage. Nakapaglathala na rin siya ng kaniyang pananaliksik sa Social Sciences Review Journal ng PUP at pokus ng kaniyang nalikhang pananaliksik ay panitikan, araling salin, karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Kabite kasama ang kaniyang mga anak na sina Crisanto, Alab Mirasol, at Telo Himig.

  • Sheila Mae Coligado Intoy, Polytechnic University of the Philippines

    Si Sheila Mae Coligado Intoy ay tubong Kalookan. Nagtapos ng Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya at Master ng Artes sa Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Kasalukuyang kumukuha ng Doctor of Philosophy in Philippine Studies sa University of the Philippines-Diliman. Pokus ng kaniyang mga pananaliksik ay panitikan, katutubong kaalaman, araling filipino at araling kababaihan. Aktibo sa etnolingguwistikong proyektong pananaliksik na pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino. Naging mananaliksik ng pag-aarkibo sa mga sining sa panahon ng pandemic ng National Commission for Culture and the Arts. Nakapagbasa ng papel pananaliksik sa Mindanao State University, Visayas State University, De La Salle University at Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Bukod sa pagtuturo, pinaglilingkuran nya ang pamantasan bilang tagapayo ng Tulos Baybay, ang kultural at etnomusikal na organisasyong pang-mag-aaral ng AB Filipinolohiya, gayundin siya ay katuwang na miyembro sa performance studies ng PUP Heritage Committee.

  • Roan Jessa A. Dino, Polytechnic University of the Philippines

    Si Roan Jessa Acebuche Dino ay kasalukuyang nagsisilbi bilang Kawaksing Propesor (Associate Professor) sa ilalim ng Kagawaran ng Filipinolohiya, Kolehiyo ng Artes at Literatura ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Mabini Campus. Kasalukuyang kumukuha ng programang Doctor of Philosophy in Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Siya ay nakapaglathala na ng mga pananaliksik sa Limbagang Pangkasaysayan, NCCA Research Journal, PUP Education Review Journal, at Filipinolohiya Journal. Naging puno at miyembro ng mga research grants mula National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Downloads

Published

2025-01-22

How to Cite

Rivera, F., Teodoro, A., Intoy, S. M., & Dino, R. J. (2025). Graduate Tracer Study (GTS) ng mga Nagsipagtapos ng Batsilyerng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (2019-2023). Education Review, 13(1), 81-110. https://doi.org/10.70922/s9vkzc13